Tuesday, June 23, 2009

rainy days.

magandang araw sa inyong lhat. hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang dapat kong sabihin. haay. sadyang napakaraming nangyari sa araw na ito. hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang isang nakaka-asar na nangyari ngayong araw na ito. hmmm. medyo nakakatawa din nman. hahaha.

nangyari lng ito kanina.. umakyat kme sa classroom matapos ang aming tanghalian at nadama nmin ang sobrang init. halos makikita mo na ang sari-saring itsura na dapat mong makita. may nakasimangot, meron nmang sobrang energetic khit napaka init na.. meron din nman na nagpupunas ng kanilang mga pawis, meron ding inaantok.. haayy. halu-halo na talaga. halos hindi kami makapag concentrate sa aming diskusyon.
may klase kami sa Social Studies w/ Mrs.Jamlang... mga 3:00 ng hapon. almost 2 periods na ang nakakaraan matapos ang aming tanghalian. sa kabila ng init na dala ng mataas na sikat ng araw, ay bigla na lamang umulan. nakakapag-taka hindi ba?? marahil ay dahil ito sa tinatawag nating Global Warming na isa sa mga problemang kinakaharap, hindi lang ng ating bansa kundi ng buong mundo. sa sobrang lakas ng ulan kanina, halos hindi mo na makita ang mga tanawin gawa ng mist ng ulan. halos nagiging wild na ang mga reaksyon ng aking mga kaklase. may pagka-weird noh? hahaha. matapos ang klase, oras na para umuwi. nang ako'y lalabas na sa aming silid aralan kasama ang aking kaibigan na si Maureen, napangiti at nagulat sa aking nakita. hahaha. BUMAHA ang RCM. tssk. naisipan namin ni Maureen na kuhaan ang aming nakita gamit ang kanyang cellphone. heto ang mga litrato na aming nakunan. kayo na ang bahalang humusga.. hahaha. :))









hmpf. another pretty nonsense entry for today. hahah. :))

*ciao*

image source: nokia E51 (maureen's cellular phone)

1 comment:

  1. P.S. ang nakikita nyo ay hindi isang swimming pool. yan ang aming school quadrangle. hayy. halos umapaw na ang tubig dahil sa lakas ng ulan.

    ReplyDelete